Sunday, October 5, 2008

sinabawang salmon?

i was with orlee and his utol/friends last thursday night prowling khobar dahil pare-parehong walang pasok because of the long holiday. first stop namin pagdating ng khobar was to have dinner kasi gutom na raw si orlee. and since nandon na rin lang kami sa area, sabi ko bakit di na lang sa marina kami kumain.

in two occassions kasi na nagpunta ako don, satisfied naman ako sa food. aside from the fact na maganda yong place. the glass panel offers a view of the sea na mas maganda kung sunset. kahit medyo pricey ang food, the ambience more than makes up for it.

kaso, napahiya ako sa grupo.

pareho kami ni orlee ng choice, salmon. and he wanted it cooked on butter/lemon sauce. good kasi di ko pa na-try yon. i had other entrees before but not the salmon. so after a while, dumating na sya. but to my disappointment, parang naging sinigang yong salmon. lumalangoy sa sandamakmak na sabaw. and that sabaw is supposed to lemon and butter pero pagtikim ko pa lang, the taste was awful, parang expired na laban!

with all the civility i could muster, nag-reklamo ako kay kabayang waiter. hiyang-hiya si kabayan up to the point na ikatwirang ganon daw talaga ang lasa non. hindi kako ah. sa tinagal-tagal ko nang nagda-dine out, ngayon lang ako nakalasa ng ganon. so the poor kabayang waiter took back the plate, papa-remedyohan daw sa cook.

whatever the cook did, nag-improve lang ng konti yong lasa. still, it wasn't worth the price we're paying (or should i say, buti na lang si orlee ang nagbayad! hahaha).

then comes the dessert. fruit platter ang kinuha nila (i opted out and had a smoke instead). pagbalik ko, nagtatawanan ang grupo. yong first few slices daw nong watermelon, lasang onion/garlic! ano ba yan! balik na naman si kabayang waiter and gave us extra slices of the watermelon.

i was really frustrated. hindi na yata ako babalik doon. babalik na lang siguro ako sa mughal. or sa sanbok. or try the newly-opened toni roma's.

and oh, by the way, mukhang hindi na rin muna kami babalik sa flamingo. it might be our all-time favorite place in khobar but the last time we were there, i had to ask the waiter if it was steak or rubber served to us! darn!



No comments:

Post a Comment