in my recent abu dhabi – manila flight, may nakasabay akong isang kababayan nating dh na talagang nakaka-awa ang nangyari. another case of abused ofw si kabayan.
hindi ko agad naintindihan kung bakit parang nagkakagulo yong ilang kabayan sa kabilang aisle from where i was sitting. at hindi ako naki-usyoso coz they were blocking the aisle eh madalian pa naman yong boarding kasi almost late na yong flight. pero dahil isa sa mga uzi na manang eh malakas ang boses, nakuha ko yong buong story. si kabayang dh, inapi ng amo nya. pinaso ng plantsa ang kanyang right arm, pinasakay ng eroplano pauwi ng pinas na ang suot ay pambahay at walang ibang dala except her passport and ticket.
at si manang na uzi, malakas ang boses habang kausap sya. sa galit siguro sa nakitang kapalaran ni kabayan. sino nga bang hindi magagalit sa ganong pang-aabuso. tinawag pa ni manang yong isang cabin attendant para ipakita yong paso ni kabayang dh. eh ano namang magagawa nong attendant kungdi bigyan ng pain reliever si kabayan.
nong nabawasan na yong mga uzi, doon ko lang nakita si kabayang dh. she was weeping miserably. at talagang heartless ka na pag hindi ka naawa sa ganong sitwasyon. napa-iling na lang ako, took a deep breath and closed my eyes to say a quick prayer para sa kanya. somehow, pinag-pasalamat ko pa rin na makakauwi sya sa pamilya niya ng buhay unlike other extreme cases na madalas na nating marinig.
nong medyo tumahimik na sila at naka-upo na lahat, saka ako tumayo at lumapit kay kabayan, took her hand at inipit ang konting halaga na alam kong kahit paano ay magagamit nyang pamasahe pauwi sa kanila (i heard she’s from some province in the north). when she realized na inabutan ko sya ng pera, umiyak na naman sya. hindi ako agad nakapag-salita. ang hirap palang mag-console pag ganon. i might have mumbled something to encourage her pero hindi ko alam kung ano yong sinabi ko. bumalik na lang ulit ako sa upuan ko kasi feeling ko, kumalma na si kabayan pero pina-iyak ko na naman.
but my guilt soon disappeared kasi nakita ko, other people followed suit. nilapitan din sya at inabutan ng pera. dahil sa totoo lang, comforting words can help in that situation but it won’t buy her a bus ticket, even a jeepney ride to get to the bus station.
when we deplaned in manila, nakita ko ulit sya. tumigil na sa pag-iyak. at kahit paano ay maaliwalas na ang mukha. she must have felt the safety home soil can offer. doon ko lang sya nakausap ng maayos. it may be a one-minute conversation pero sana kahit paano, nabigyan ko sya ng kaunting encouragement not to lose faith in life. nag-thank you sya at ngumiti na kahit konti.
actually, hindi na bago para sa akin ang kaso nya. coz a few years back, napaligiran din ako sa upuan ko sa eroplano ng mga kabayang dineport pauwi ng pinas. 2 or 3 guys plus a couple more of girls na lahat galing sa riyadh. lahat mga tumakas sa amo nila for different reasons. yong isa, ilang buwan na raw hindi pinapasuweldo. yong isa, sinasaktan. different stories pero isa lang ang pinupuntahan – lahat sila, mga inabusong manggagawa.
ang kwento nila sa akin, sa kulungan na sila nagka-kilala. kasi nakulong sila ng ilang linggo bago dineport. dahil nagpahuli daw sila sa jawasat (was it labor o immigration office? i’m not sure). at kaya naman daw sila nagpahuli sa jawasat, para maka-uwi daw sila agad ng pinas. dahil, again, according to them, yon daw ang suggestion ng ating embassy. kung gusto mong maka-uwi agad, magpahuli ka. makukulong ka nga saglit pero madali ka namang makakauwi ng pinas.
kasi daw, pag sa embassy ka nag-antay ng repatriation, natatagalan. i don’t know how true. pero dati nga, nakita ko sa isang tv report na tambak ang mga run-away workers under the care ng ating embassy. matagal siguro ang formalities ng papeles. plus, syempre ibibili pa ng plane ticket. siguro ganon. sana naman nag-improve na ito by now.
anyways, back to the group ng mga kabayan natin, umuwi din sila ng pinas na walang dala kahit ano. yon nga raw mga cel phone nila, sinamsam pa ng mga pulis na naghatid sa kanila sa eroplano. porke bawal daw ang cp sa eroplano. obviously, dinenggoy sila. kawawa na nga, ninakawan pa.
buti na lang may load yong smart roaming ko. dahil pag-touch down namin ng manila, nakiusap silang magamit yong cp ko para matawagan nila yong mga family nila at masundo sila sa airport.
with these experiences, lagi kong tinatanim sa isip ko na marami pa rin talaga akong dapat ipag-pasalamat sa Diyos. that in my years ng pagta-trabaho sa ibang bansa, hindi ko dinanas ang pang-aabusong inabot ng mga kababayan natin. i’m still one blessed soul to have found decent jobs, decent employers (well, almost) and decent salary (again, almost! hehehe).
dahil sa totoo lang, madalas nating makita sa tv at mabasa sa dyaryo ang mga kaso ng abused ofw. but it’s entirely different pag ikaw mismo ang nakakita. it’s such an ugly face of reality that, unfortunately, migrant workers have to deal with. kawawa ang mga nakakaranas nito. kaya tayong mga hindi naging biktima nito, we should realize how lucky we are. and be thankful for it everyday of our ofw lives.

No comments:
Post a Comment