April 22 19-- (ayaw pang pa-bisto huh) when I boarded a plane to Saudi Arabia. 23 years old lang ako non. Bata pa pero nag-isip agad rumaket ng mas malaki. Dahil naisip ko na walang mangyayari sa buhay ko kung sa Maynila lang ako magta-trabaho.
Destined naman talaga sigurong dito ako mapunta. Kasi ang application ko noon, ni hindi ko plinano. Gumigimik kami ng mga barkada ko noon sa Luneata (puro wala pa kaming pera kaya yon ang gimikan namin hehehe) at may nakita kaming mahabang pila sa may TM Kalaw. Recruitment agency pala papuntang Saudi. Sabi ko sa mga barkada ko, i-try namin. Naki-usyoso kami and out of curiosity, nakipila na rin.
Pagdating sa loob ng agency, yong iba sa mga barkada ko, nag-back out. Natakot yata. Dalawa lang kaming tumuloy sa interview. Pareho kaming pumasa pero nag-back out na rin yong isa, mukhang natakot din. Pero ako, sige lang. Sabi kasi sa akin nong interviewer, aalis daw ako within a week kung ready ang passport ko. Hmmm… parang lokohan yata ito!.
At any rate, naki-sakay lang ako sa sinasabi nila. Process ng ganito, ganong papel. NBI clearance, pa-medical, etcetera. Ang main purpose ko lang noon is to experience the whole process. Para pag ready na talaga ako to go abroad, alam ko na ang gagawin ko. Hindi ko kasi naisip that it will come too quickly and comfortably for me. First application tapos aalis agad ako? Parang hindi totoo. Kasi ang mga naririnig kong kwento, mahirap mag-apply sa abroad. So ini-expect ko na mahihirapan din ako. Unlike this one na parang naglalaro lang ako eh aalis na daw ako agad.
Kaya sakay lang ako ng sakay sa mga sinasabi nila. Pero nong sinisingil na ako ng placement fee, sabi ko di na to biro. Totohanan na. That’s when I started analyzing and thinking about the whole thing.
Nakalagay ang pangalan ko sa malaking bulletin board ng recruitment agency. Yong bulletin board na laging tinitingala ng mga nangangarap na aplikante. Parang laging nagwi-wish sa mga lucky stars nila at naghihintay na mag-magic para lumabas ang kanilang mga pangalan sa board. Ako, hindi ko na kailangang mag-wish. Nandoon na ang pangalan ko. At nakalagay, April ang ETD. Hmmm… Ibig sabihin kaya noon, totoong aalis ako?
Pinakita na rin sa akin ang passport ko na sila na ang gumawa. Ay ganon pala ang hitsura ng passport! Sosyal na ako ha, may passport na. Hindi na sa isang kapirasong cedula nakasulat ang pangalan ko. Passport na. At may picture ko pa! (Na-discover ko pa later na pineke lang nila ang birth certificate ko para madali ang pagkuha ng passport. Kinuha sa Manila City Hall ang certificate at siguradong naglagay para mapabilis. Matatagalan pa kasi kung uuwi pa ako ng Mindoro para kunin ang certificate ko.).
Hmmm… mukhang totoo naman. Sige nga, subukan ko pa kung hanggang saan ang proseso. Nagbayad ako ng kalahati ng placement fee. Sabi ko before my departure saka ko ibibigay ang kalahati. First timer ako at wala naman akong adviser na sanay sa pag-aabroad pero medyo maingat naman ako pagdating sa pera. Eh kung lokohan, at least hindi ganon kalaki ang maloloko nila sa akin no!
After a few days, pinakita na sa akin ang ticket. Ganon pala ang hitsura ng airline ticket. Inamoy-amoy ko pa! Hmmm… amoy abroad nga! Hahahaha!!
While going through all the process, basa ako ng basa tungkol sa pag-aabroad. Lalo na sa mga newspaper. At doon ko nakita na pwedeng i-verify sa POEA ang job opportunities abroad. Kaya sumugod ako ng POEA. Nandon nga yong pangalan ng sponsor sa Saudi pati yong pangalan nong agency na pinag-aplayan ko. Ay, mukhang totoo nga!
In short, doon ako nag-decide na This is it. Totohanan na to. Yon yong point na nag-focus na ang utak ko that I will be working overseas. Doon na ako nag-umpisang ma-excite. Abroad ba naman eh.
April 21 ang unang schedule ko sabi ng recruitment agent. Punta naman ako ng airport with matching hatid ng parents ko na parehong umiiyak, hindi kasi nila alam na mag-aabroad ako, basta pinasundo ko lang sila from the province a couple of days before ng flight ko.
Isang regular sized traveling bag ang bitbit ko. Hindi ako nagbitbit ng marami dahil sabi ko doon na lang ako mamimili ng damit or personal things, imported pa (which, later on eh na-realize kong mali. Nandon ka na sa lugar eh di local na yon, di na imported, di ba!).
Naka-maong ako at black na blazer dahil tinakpan ko yong T-shirt ng agency na pilit pinasuot sa akin. For identification purposes daw para madali kaming makita ng sundo sa destination namin. Pero syempre may bayad na 100 pesos yong t-shirt. At may baseball cap pa na may name din at logo nong agency na pinapasuot din sa akin. 150 pesos naman yon. Hindi na ako pumayag. First timer ako sa pag-aabroad but I know I am being branded sa ginagawa nilang yon. And I won’t go on an international flight na akala mo eh endorser ng kanilang agency! (First timer pa lang may sungay na! hehehehe)
So yon nga, porma pa rin ako dahil uso naman ang blazer noon. Naka-low-cut boots pa kaya Spandau Balet ang dating (oooppps… clue yon ah). Yakap sa mga naghatid, maiyak-iyak na rin ako. Pero hindi dahil nalulungkot ako coz I’ll be away from my parents. Hindi ako ganon ka-emotional na tao. Naiiyak ako sa excitement dahil feeling ko adventure yong pupuntahan ko. Mag-aabroad ako! Yehey!!!
Then dumating yong liaison officer nong agency. Ang sabi hindi daw ako makaka-flight that day. Bumalik na lang ako kinabukasan.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kinabahan ako. Hanggang makauwi ako sa amin sa Malibay ay worried na worried ako. Bayad na ang placement fee ko. Mukhang naloko ako ng agency. Ano bang malay ko sa chance passenger or wait list. Hindi ko alam yon, hindi sinabi nong liaison officer at lalong hindi ipinaliwanag. Basta bumalik daw ako the following day.
Wala rin akong mapagtanungan. Ang kuya ko (half-brother) na seaman ay nasa barko na at yong pinsan kong nasa Jeddah eh parehong hindi ko naman basta matawagan kasi di pa naman uso ang cell phone noon.
Todo dasal ako nong gabi. Sabi ko, kung naloko man ako ng agency, at least sarili kong ipon yong nalustay ko. Wala akong lupang naisangla or baka, kalabaw at manok na naibenta tulad ng iba. Wala akong mapi-perwisyo kungdi sarili ko lang. Pero sana Lord, hindi naman ako naloko. Masakit pa rin yon huh!
With all my optimism, bumalik ako ng airport the following day. Yon pa rin ang bag na bitbit ko at yon pa rin ang porma ko.
Fortunately, totoo naman ang sinabi ng agency. Confirmed na raw ang flight ko. Binigay na sa akin ang passport ko at tiket. At pinakilala sa akin ang mga kasabay ko – 3 ex-saudi na at isang bata pa ring tulad ko na first timer.
After a few more drama with my parents, pumasok na ako sa departure area. Sunod lang ako ng sunod sa mga kasabay kong beterano. Ginagaya ko lang ang ginagawa nila coz I know they know what they are doing. (Buti na lang hindi humiga sa x-ray machine, baka ginaya ko rin noh?! Hehehehe). Until finally ay makapasok na ako ng aircraft.
Overwhelmed ako pag-upo ko sa aking assigned seat. Ganito pala ang loob ng airplane, ang ganda! Masikip pero ibang-iba sa bus. At ang mga stewardess, ang gaganda! Sa wakas naka-sakay din ako ng airplane. At sa wakas makakarating ako sa ibang bansa.
Yon ang nasa utak ko at that moment. Basta abroad. And to any first-timer na tulad ko, abroad is always a magical word that means money and good life. Abroad. Ibang bansa. Yehey pa ulit!!!
Pero nang mag-taxi na ang aircraft and the pilot started speaking through the intercom, I was shaken back to reality na hindi basta ‘ibang bansa’ ang pupuntahan ko. Pupunta ako ng Saudi!!! And the exotic, unintelligible language the captain is mumbling, isama mo pa yong deep, booming voice nya na nakakatayo ng balahibo, doon na ako kinabahan! Saudi ang pupuntahan ko! Ibang culture, ibang lengwahe. Lengwahe na hindi ko napag-aralan! Baka hindi umubra ang pagka-inglesero ko!
Well, everybody knows by now na unfounded yong mga worries ko noon. Coz here I am in my… uhhh… --th year (ayaw pa rin talagang pabisto) in Saudi and still doing fine. Natatawa na lang ako pag naaalala ko yong first time kong yon.
Bakit ko ba naikwento to? Gusto ko lang makita ng iba na kahit first timer ka, may mga measures kang pwedeng gawin para hindi ka naloloko ng agency. Think, analyze and go with your gut feel. Hindi yong parang na-hipnotismo ka at sunod ng sunod sa sinasabi ng agency. Afterall, totoo yong kasabihan na walang manloloko kung walang nagpapaloko. At siguro, thankful na rin ako dahil matino naman ang unang experience ko. Hindi madugo, painful at traumatic tulad ng iba!

No comments:
Post a Comment