Friday, April 18, 2008

sawsaw

Have you read the news lately? Eto, may ilang isyu na naman akong nabasa na kareak-reak. Kaya ayan, hindi ko na naman mapigil na makisawsaw..

Sawsaw No. 1: Si Erap tatakbo na naman sa 2010???

May isang grupo raw (obviously supporters nya) rolling out a signature campaign to nudge Erap to run again in the 2010 elections. As in kailangan pa niyang pilitin huh. Eh alam naman nating he wanted so badly to return to the palace. Kahit ilang press release na ang ginawa nya declaring that he has no intention to run again. Maniwala ka naman? Though ang sabi ng iba, hindi raw sya pwedeng tumakbo kasi babawiin daw ang pardon sa kanya if he decides to.

For me, the question is not is he legible to run or not. Hindi rin does he really like to run or not. Por dyos!!! Ang tanong ko - rather mga tanong ko eh:

one -Sya na lang ba ang natitirang pulitiko sa Pilipinas, as in wala na ba talagang ibang mapipili?
two - Sya na lang ba ang nakikita nating pag-asa na magbago ang Pilipinas? What about the new breed of hopefully better politicians – Legarda, Escudero and the rest? Kailan natin sila bibigyan ng chance to prove their worth kung babalik at babalik pa rin tayo sa mga trapo?

three - Ganon ba talaga tayong mga Pinoy, talo pa ang may amnesia? Nakalimutan agad ang mga sapatos at diamonds ni Imelda. Ngayon, ang Boracay mansion ni Erap. At ibabalik pa ulit sya. Kaya naman malakas ang loob ni Gloria eh. God help this country!

Sawsaw No. 2 : Medical malpractice

A gay florist who had a rectal operation in one of the hospitals in Cebu is suing the doctors. Ang kaso? May nag-post sa Youtube ng operation na ginawa sa kanya where the doctors are making fun of the operation and in the process insulted him (the florist) personally. The clip was obviously taken by one of the doctors using a camera phone complete with narration pa, which at many points, ay talagang ginawang katatawanan yong operation.

Ilang araw pa lang ang posting sa Youtube but it is already creating an uproar among the viewers. Many are disgusted from what the medical staff did. And already there is a call for these doctors to be punished by revoking their medical licenses.

Ang masakit pa nito, the florist is receiving death threats after na mag-file sya ng kaso against the doctors. The nerve ng mga ito! Naturingan pang mga professionals but obviously the 10 years of education were not enough to teach them the basic principle of respecting others, much more their patients.

Kung nasa US lang itong mga ito, tapos na ang career nitong mga ito. Maswerte sila dahil wala pang maayos na medical malpractice law sa Pinas. They can still pull their strings of connections dahil mukhang at this early ay may whitewash na raw na nangyayari.

If you want to view the clip, use keyword ‘sotto scandal’ sa search ng youtube. Yon kasi yong name ng hospital sa cebu.


Sawsaw No. 3: Rice shortage pa rin

Aabot daw sa 2.1 metric tons ang kailangang i-import na bigas ng Pinas para masuportahan ang ating local consumption. Nag-umpisa na raw ang bidding process para sa mga foreign suppliers. Kaso, a total of 325,000++ MT lang daw ang kayang i-supply ng mga bansang nag—participate sa bidding. Hindi kaya ang buong requirement natin.

Bukod doon, tumaas na nga raw ang presyo nong ini-import na bigas. Ang nakaka-inis, despite all these, may mga pulitikong pilit nagdi-deny at sinasabing wala naman daw rice crisis sa bansa. Eh kung wala, bakit kayo nagi-i-import?

Minsan nakakapag-duda na nga ang ginagawang ito ng gobyerno ni Gloria. Some credible politicians and journalists are even floating the idea na ploy lang ito ni Gloria para mawala ang focus ng taumbayan sa mga graft and corruption issues na isa-isang lumalatay sa administration nya. Kung totoo ito, ito lang ang masasabi sko sa inyo – burn in hell you heartless nincompoops!

Kung totoo naman ang rice crisis, bakit wala akong naririnig na long term plan na binubuo para ma-address ito. Puro importation, puro distribution sa LRT stations at kung ano-anong pakulo ang ginagawa ng gobyerno. In the meantime, may parallel action ba kayong ginagawa?

Anong mangyayari after maubos ang inimport ninyong bigas? Iimport ulit? Eh bakit hindi palakasin ang agriculture sector natin. In the first place marami tayong rice fields. Agricultural country tayo, remember? Suportahan lang maige ang mga farmers natin, palakasin ang irrigation infrastructure at bigyan ng access sa murang pesticides and fertilizers. Buhusan ng pondo ang IRRI natin. Most importantly, paratingin sa dapat pagbigyan ang pondo – huwag ibulsa ng mga ganid!

Yon eh kung totoong may krisis. At kung hindi pa rin pinagkaka-kitaan ang mga importation na yan. Naku, nakaka-ubos kayo ng dugo!

No comments:

Post a Comment