This is my first Christmas and New Year in Pinas matapos ang ilang taon na umiiwas akong magbakasyon sa ganitong season because of the gastos. Not only na marami akong inaanak sa binyag plus yong dalawang inaanak ko sa kasal (shucks, matanda na talaga ako!) but the many other gastos na hinaharap mo kung isa kang OFW na nagbabakasyon sa Pinas on Christmas season. Nandon kasi yong expectation na maghahanda ka, magpapainom at kung ano-ano pa kasi akala nila nag-uumapaw ang dollars sa bulsa mo.
Hindi ko masyado na-enjoy ang Christmas dahil nga naka-focus ako sa project ko. Though nitong New Year medyo hindi na ganon ka-hectic ang schedule ko kaya medyo pahinga na ako at nakalabas naman ako ng bahay before midnight para mag-light ng ilang pirasong luses na binili ko, plus yong fountain na hindi ako ang nag-sindi, takot akong maputukan! Hahahaha!!!
And as tradition dictates, halos mabingi ako sa dami ng mga firecrackers kaliwa’t kanan, plus the dazzling fireworks na pinkawalan ng mga obviously eh mayayaman kong kapitbahay. Tumingala na lang ako at nanood sa mga sumasabog na colors sa kadiliman ng midnight sky.
Ilang oras tumagal ang ingay. Makapal ang usok na akala mo eh nasusunog ang buong village namin, and probably the whole of Sta Rosa. And I’m sure ganon din sa lahat ng part ng Pilipinas and all the other New-Year celebrating nations of the world.
Amid the noise and the fireworks, gumana na naman ang utak kong wala nang pinatawad. Naisip ko, ilang libong piso kaya, o baka milyon pa, ang sinunog ng mga Pinoy sa paputok para lang i-welcome ang 2008. To think na mahirap ang buhay, ang baba ng palitan ng dollar na sumadsad na sa 40.80 kahapon.
Pero pag ganitong pagkakataon, kahit anong hirap ng economy natin, hindi pwedeng wala ka kahit isang sisindihan to welcome the New Year. Parang kawawang-kawawa ka pag wala ka man lang isang pirasong luses.
Nasa paniniwala na kasi yon. That we have to welcome the New Year with a bang para maging maganda ang pagpasok ng bagong taon. With that lies our hope and prayers na maging mas mabuti ang magiging buhay natin. That we will achieve success in our careers, o mas dadami pa ang pera natin.
Hindi yon basta pag-iingay. Hindi yon basta pagsusunog ng pera. It is a ritual na may kasamang pag-asa na kung ano man yong ginastos natin na pambili ng trompilyo, babalik yon in thousand folds sa panibagong taon na dumating sa atin.
Pero dapat ma-realize natin na hindi yon ang importante. Ang naisip ko kasi, pasalamat ako sa Diyos na inabot na naman ako ng pagpapalit ng taon na buhay na buhay at healthy. Pasalamat lang ako na umabot ako ng 2008 matapos ang 365 days ng 2007 na hindi nagkasakit or nagkaroon ng misfortune. Thankful ako na binigyan ako ng chance to be a part of the headcount ng National Census sa pagpasok ng 2008. Sana ganon pa rin sa pagpasok ng 2009 at ng mga susunod pang taon.
At yong pagpapa-putok, kung marami man ang hindi nakaka-intindi kung ano talaga ang ginagawa nila, sana marami rin ang katulad kong nakaka-alala kung ano ba talaga ang pinag-si-celebrate natin. Let’s close our eyes and say a prayer of thanks for the year that passed and thanks for the new year, na sa totoo lang eh parang renewal mo sa kontrata mong mabuhay sa mundong ito. It’s one big reason to thank God for.
So, sa lahat ng friends and guests ko dito sa Dantespeaks, I wish you all a blessed 2008.
At nag-light man ako ng luses kagabi, sorry po sa mga environmentalists. Alam kong dagdag problema yan sa global warming. But who am I to break the tradition? At sino naman ako para hindi rin mag-wish na sana maganda ang papasok na taon sa akin!